Pansamantalang nagpapatupad ng provisionary service ang Light Rail Transit (LRT) Line 2 ngayong umaga.
Batay sa abiso ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ito’y bunsod ng nangyaring aberya sa suplay ng kuryente.
Dahil dito, tanging sa Antipolo patungong V. Mapa Station lamang ang biyahe ng tren at pabalik.
Habang walang biyahe ang Pureza Station patungong Recto at pabalik. | ulat ni Jaymark Dagala