Normal ang sitwasyon sa mga kalsada sa bahagi ng Monumento sa Caloocan City sa kabila ng nakakasang transport strike ng grupong MANIBELA at PISTON.
Karamihan kasi ng mga bumibyaheng jeepney driver gaya ni Mang Fernando ay bahagi na ng kooperatiba kaya wala nang balak mag-tigil pasada.
Ayon din kay Mang Alberto na miyembro ng Malabon Jeepney Transport Service Cooperative, wala na rin namang nanghaharang sa kanila kaya inaasahan nitong tuloy-tuloy lang ang pasada nila kahit bukas.
Ang jeepney driver na si DJ, sinabing ang tanging epekto lang sa kanila ng strike ay ang mabigat na trapiko kung haharang ang mga magra-rally sa kalsada at kung mas pipiliin ng mga pasahero ang libreng sakay. | ulat ni Jaymark Dagala