BJMP: Walang VIP treatment kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sakaling ilipat sa Pasig City Jail Female Dormitory

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa posibleng pagdating ni dismissed Bamban, Tarlac May Alice Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory.

Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, na ihahalo sa ibang persons deprived of liberty (PDLs) si Guo.

Tiniyak naman ni Bustinera na walang mangyayaring special treatment kay Guo alinsunod sa kanilang mga polisiya.

Aminado rin si Bustinera na congested ang Pasig BJMP dahil sa apat na selda ay mayroong 36 na mga PDL ang nakapaiit kada selda.

Ito ay ng 200% na congested kumpara sa Itinakdang kapasidad ng kulungan, ngunit sa kabila nito ay tiniyak pa rin ng Pasig BJMP ang seguridad ni Guo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us