BOC at PPA, hinikayat na madaliin ang unloading ng rice shipment upang maiwasan ang backlog at pagtaas ng presyo ng bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananawagan ang isang mambabatas sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Ports Authority (PPA), na madaliin ang pagdiskarga ng mga rice shipment sa Philippine ports upang pataasin ang supply ng bigas at mapababa ang presyo nito sa merkado.

Ginawa ni Agri Party-list Reresentative Wilbert T. Lee ang panawagan sa gitna ng congestion na nagiging hadlang sa pagpapatatag ng presyo ng bigas.

Diin ni Lee, ang pagkakaantala sa unloading ng bigas ay nagpapalala sa presyo nito sa merkado.

Nakarating sa lawmaker ang reports na inaabot ng isa hanggang dalawang linggo ang pagkatengga ng mga rice shipment sa mga pantalan, kaya tumataas ang presyo nito.

Hinikayat din nito ang dalawang ahensya ng gobyerno na dagdagan ang manpower sa mga port o ipatupad ang “round-the-clock shift” upang tugunan ang logistical bottlenecks, at matiyak na mabilis ang pagproseso ng mga shipments at maresolba ang backlogs. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us