Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga “misimpressions” ukol sa umanoy “subcontracting” ng national id card projects.
Ayon sa BSP, sila ay sumunod sa agency-to-agency Procurement Guidelines o Negotiated Procurement sa ilalim ng RA 9184 at may kasunduan sa pagitan ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa pagiimprenta ng National ID.
Diin ng BSP, hindi nila kinotrata ang All Cards Incorporated (ACI) para sa printing ng ID cards na pinangasiwaan ng mga BSP personnel ang operasyon.
Ang ACI lamang ang nag-provide ng equipment, raw materials at technical support.
Maging sa review ng Commission on Audit (COA), hindi lumabas ang “subcontracting” sa BSP Annual Review report, iba naman sa audit report ng PSA na may mga alegasyon at komento laban sa BSP.
Anila, ang mga walang batayan na tanong sa “subcontracting” ay maaring maglilihis ng atensyon sa isyu ng pagkabigo ng All Card na tuparin ang kontrata na inaprubahan ng Philippine Identification System (PhylSys Council).
Pagtiyak ng Central Bank sa publiko na lahat ng papasukin nilang kontrata ay transparent at alinsunod sa lahat ng batas at regulasyon.| ulat ni Melany V. Reyes