Plano ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na amyendahan ang regulasyon na susundin ng mga bank, financial institutions at digital banks sa pagha-hire ng external auditors.
Sa ipinadalang draft circular sa banks at non-banks, binalangkas ng BSP ang proposed amendments upang i-align ito sa mga pinakahuling developments sa corporate governance practice.
Nais makuha ng Sentral Bank ang feedback ng BFIs sa draft circular na naglalayong palawakin ang auditing process para sa BSFIs financial statement, alinusod sa nakasaad sa Section 59 ng Republic Act 8791 o General Banking law of 2000.
Sa kasalukuyang patakaran, ang mga bank at iba pang financial institutions ay maaring kumuha ng external auditors basta nasa listanan ng kwalipikadong pangalan ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Ngunit sa ilalim ng amyenda, hindi na kailangan ng mga external auditor na magpadala ng aplikasyon sa SEC para maisama sa listahan basta nakakatugon ito sa kwalipikasyon at dokumentaryo na itinakda ng BSP. | ulat ni Melany Valdoz Reyes