Budget cut sa panukalang 2025 budget ng Comelec, may epekto sa midterm at barangay elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado kaugnay ng pagkakabawas ng kanilang panukalang pondo para sa susunod na taon.

Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng Comelec, sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia, na mula sa P49.749 billion na hinihiling nilang pondo para sa susunod na taon, P35.47 billion lang ang naibigay sa kanilang alokasyon sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP).  

Paliwanag ni Garcia, dahil sa budget cut na ito ay parehas maaapektuhan ang national and local elections na gagawin sa May 2025, at ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na gagawin naman sa December 2025.

Sa nabawas na pondo, P3 billion sana ang para sa midterm elections kung saan P1.4 billion para sa training ng mga guro habang ang natitirang balanse ay para sa forms, supplies at voters’ education.

Samantalang P8 billion naman ang natapyas para sa barangay at SK elections, na gagamitin rin sana sa pag eempleyo ng support staff sa mga presinto at honoraria para sa guro.  | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us