Mabilis na lumusot ang budget deliberasyon ng Department of Science and Technology (DOST) na nagkakahalaga ng P26.73 billion.
Sa manifestation ni Act Teachers Partylist France Castro, sinabi nito na kuntento sila sa budget biefing ng DOST at humanga na nasagot lahat ni DOST Sec. Renato Solidum ang lahat ng katanungan at issues ng mga mambabatas.
Aniya, bihasa ang kalihim sa kaniyang tungkulin kaya suportado nila ang budget ng ahensya.
Nanawagan lamang ito sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na madagdagan ang budget para sa Dynaslop project dahil binawasan ang pondo nito para sa susunod na taon.
Aniya, mahalaga ang reseach program development project ng DOST bilang early warning system sa landslide. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes