Tinerminate na ng plenaryo ng Kamara ang budget ng Department of Trade Industry (DTI) maliban sa Cooperative Development Authority (CDA).
Sa interpellation ni South Cotabato 1st District Rep. Isidro Lumayag, kinwestyon nito ang paggastos ng CDA at non-performance ng CDA.
Hindi siya sang-ayon na aprubahan ang budget ng CDA dahil hindi ito aniya alinsunod sa prinsipyo ng accountability and good governance.
Nakakaalarma umano ang mga issue sa DOLE Fil Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (DARBC) dahil sa mga paglabag at kabiguan ng CDA na i-regulate ang koopratiba. Hindi rin umano ito nakipag-ugnayan sa Department of Agrarian Reform (DAR) kahit na nasa 7,500 na mga agrarian reform beneficiaries ang mga miyembro nito.
Nananawagan din si Lumayag sa Office of the President na patalsikin na sa pwesto si Usec. Joseph Encabo, ang chairman ng CDA.
Nakakalungkot aniya na hindi kayang i-regulate ng CDA ang mga kooperatiba nito at ang kanilang bigong paggasta ng ₱128 million na nakalaan para start-up capital ng mga koop ngayong taong 2024. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes