Tiniyak ng National Food Authority (NFA) ang matatag na imbentaryo ng palay sa bansa.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, as of Sept. 18 ay may imbentaryo itong kabuuang 157,000 metriko tonelada o katumbas ng 3.1 milyong sako ng bigas.
May katumbas rin ito na halos limang araw na buffer stock ng bansa.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Admin Lacson na patuloy itong bumibili sa presyong P21-P23 ng fresh palay kumpara sa buying price ng ilang trader na nasa P16-P17.
Siniguro din nito na kahit sa peak ng harvest season ay magtatakda ito presyong hindi malulugi ang mga magsasaka. | ulat ni Merry Ann Bastasa