Nakapagtala pa ng limampu’t limang volcanic earthquake ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island mula kahapon hanggang madaling araw kanina.
Nasa pang apat na araw na ngayon ang tuloy-tuloy na pagpaparamdam ng mga volcanic earthquake ng bulkan .
Ayon sa PHIVOLCS, nakapagtala ng 30 volcanic earthquake ang Kanlaoon noong September 19, nasundan ng 45 noong Sept 20 at 25 kahapon, Setyembre 21.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagbuga ng 10,449 na tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan at plume na 800 metro ang taas.
Nanatili pa rin sa Alert Level 2 ang status nito at hindi isinasantabi ang posibilidad na muling sumabog.| ulat ni Rey Ferrer