Patuloy ang ginagawang monitoring ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa sitwasyon ng mga paliparan sa bansa sa nagpapatuloy na pananalasa ng Bagyong Enteng.
Batay sa situational briefing as of 11:15 ng umaga, nasa 12 paliaparan ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Enteng.
Ito ang mga paliparan ng Lingayen Airport, Bicol International Airport, Masbate Airport, Virac Airport, Naga Airport, at Calbayog Airport
Maging ang mga paliparan at aviation schools sa Tuguegarao, Cauayan, Palanan, Basco at Itbayat.
Sa mga oras na ito wala pang naitatalang pagkasira sa mga pasilidad ng anumang paliaran sa buong bansa.
Muli namang siniguro ng CAAP sa publiko na patuloy ang kanilang monitoring sa lahat ng paliparan sa bansa upang masiguro ang kaligtasan ng publiko. | ulat ni AJ Ignacio