Caloocan LGU, naglabas ng mpox hotline

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi pa rin ng pinaigting na hakbang kontra mpox ay naglabas na ng isang MPOX Hotline ang pamahalaang lungsod ng Caloocan.

Sa abiso ng LGU, maaaring tumawag ang mga residente sa MPOX Hotline sa numerong 09297095709 na pinangangasiwaan ng City at Hospital Epidemiology Surveillance Units (CESU at HESU)

Bukod pa ito sa inorganisang mpox response team ng LGU na binubuo ng infectious disease at pathology experts.

Kaugnay nito, naglabas rin ng gabay ang LGU tungkol sa sintomas, paano maiiwasan, at iba pang mahalagang impormasyon ukol sa sakit na mpox o monkeypox.

Una na ring nanawagan si Caloocan Mayor Along Malapitan sa mga residente na agad na komunsulta sa mga eksperto kung makaramdam ng sintomas ng mpox.

Pinaalalahanan din nito ang mga residente na palaging maghugas ng kamay, iwasan ang direktang pakikipag-ugnayan sa may mga sintomas o pantal dulot ng nasabing sakit, gumamit ng mask at gloves, lalo na kung mag-aalaga ng may sakit at panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran upang maiwasan ang pagkahawa ng sakit na mpox.

Sa kasalukuyan, walang aktibong kaso ng mpox sa lungsod ng Caloocan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us