Caloocan LGU, nakatutok sa sitwasyon sa Monumento kaugnay ng transport strike ng grupong MANIBELA at PISTON

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bantay-sarado na ngayon ng Caloocan City Police at ng mga tauhan ng Public Safety and Traffic Management Department ang sitwasyon sa Monumento Circle sa pagsisimula ng transport strike ng grupong MANIBELA at PISTON ngayong araw.

Ongoing na kasi ngayon ang rally ng dalawang grupo dito sa Monumento Circle na isa sa tinukoy ng 11 strike center.

Dahil dito, nakapaligid ang Caloocan Police sa mga nagpoprotesta para masiguro ang kanilang mapayapang pagkilos at matiyak na hindi ito makakaapekto sa trapiko sa lugar.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Caloocan PSTMD Executive Assistant Bernard Tambaoan na walang nakiisang transport group sa North at South Caloocan sa transport strike kaya inaasahan nitong normal lang ang sitwasyon sa mga kalsada sa lungsod ngayong araw.

Inaasahan ding hanggang alas-9 o alas-10 lang papayagan ang kilos protesta sa Monumento para hindi makaapekto sa mga motorista. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us