Caloocan LGU, pinag-iingat ang mga residente sa banta ng leptospirosis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Caloocan City Health Department sa mga residente ng lungsod ukol sa pag-iwas sa sakit na leptospirosis.

Ito ay dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbahang dulot ng bagyong Enteng at habagat.

Ayon sa City Health Department, huwag nang lumusong, maglaro, o lumangoy sa tubig-baha.

Kung hindi naman maiiwasan ang paglusong sa baha, dapat na magsuot ng bota, lalo kung mayroong sugat.

Hugasan din ng malinis na tubig at sabon ang kamay at paa matapos lumusong sa baha.

Mainam din aniyang ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura, panatilihin ang kalinisan sa bahay, at alisin ang mga maaaring pamugaran ng peste.

Kaugnay nito, hinimok naman ng Caloocan LGU ang mga residente na agad magpakonsulta kung nakararanas ng anumang sintomas ng leptospirosos.

Mahalaga aniyang maagapan at mabigyan ng medikal na atensyon sa loob ng dalawang (2) araw upang maiwasan ang anumang komplikasyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us