Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pinakamataas na remittance ng mga Filipino overseas sa buwan ng July na nasa $3.08-B.
Base sa datos ng BSP, ito na ang pinakamataas na remittance para ngayong taon since December 2023.
Ito ay lumago ng 3% mula 2.99 billion dollars kumpara sa parehas na buwan nuong 2023 at mas mataas ng 7.04% na nung nakaraang buwan ng Hunyo.
Ayon sa Sentral Bank, ang paglago sa cash remittance ay mula sa bansang Estados Unidos, Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Pinakamatas naman na remittance share ang nagmula sa Amerika, Singapore at Saudi Arabia.
Samantala, umakyat din ang personal remittance sa ipinapadalang cash at in kind sa buwan ng Hulyo na nasa 3.43 billion dollars.
Ayon sa BSP, ang pagtaas ng personal remittance sa naturang buwan ay mula sa land-based workers na may isang taon at mahigit na kontrata at sea and land-based workers na may less than a year na kontrata. | ulat ni Melany Reyes