Cassandra Li Ong, nailipat na sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na nailipat na sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City si Cassandra Li Ong, isa sa mga resource person ng Quad Committee ng Kamara kaugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Una nang ipinag-utos ng komite ang paglipat ng kustodiya ni Ong matapos magpasya ang Quad Committee na ilagay si Ong sa regular na piitan, matapos niyang sabihin na mas gusto niyang makulong kaysa dumalo pa ng mga pagdinig sa Kamara.

Si Ong ang authorized representative ng Lucky South 99 at dalawang ulit na cite in contempt ng mga mambabatas.

Nilinaw naman ni BuCor Director General Catapang na hiwalay ang selda ni Ong mula sa mga convicted criminal.

Mag-isa lang si Ong sa isang selda o kuwarto at hindi siya puwede makihalubilo sa ibang persons deprived of liberty para na rin sa kaniyang kaligtasan at seguridad.

Maaari ding gumamit si Ong ng cellphone dahil hindi pa siya convicted sa anumang krimen o kaso, at kaya lang siya nasa CIW ay dahil sa commitment order ng Kamara. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us