Cassandra Ong, di nakadalo sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Justice ukol sa paglabas ng bansa nina Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi nakadalo sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Justice ngayong araw ang business associate nina Alice Guo na si Cassandra Ong.

Matatandaang kasama si Ong ni Shiela Guo nang maaresto sa Batam Indonesia noong August 22.

Nagpadala ng liham ang Quad Comm ng Kamara na nagpapahayag na hindi matutuloy ang pagdalo ni Ong sa Senate hearing, dahil kasalukuyan itong naka-confine sa ospital.

Bumaba kasi ang blood pressure at blood sugar ni Ong sa kalagitnaan ng pagdinig ng Quad Comm, kahapon.

Matapos magpa check-up ay inabisuhan ito ng doktor na magpahinga at ma-confine ng dalawa hanggang tatlong araw.

Sinabi naman ni Subcommittee Chair Senator Risa Hontiveros na iimbitahan na lang muli nila si Ong sa susunod na hearing.

Samantala, sinabi ni Hontiveros na may ilang mga testigo ring lumapit sa kanya na humihiling ng isang executive session.

Kabilang na dito ang isang nagngangalang ‘Allan’ na sinasabi ni Atty. Elmer Galicia na tumawag sa kanya para ipanotaryo ang counter affidavit ni dating Mayor Alice Guo.

Sa pagdinig rin ay ibinahagi ng Anti Money Laundering Council (AMLC), na sinampahan nila ng 87 counts ng money laundering case sina dating Mayor Alice at mga kasabwat nito sa POGO operations.

Sinabi ng AMLC, na bawat isang count ng money laundering case ay may katumbas na parusang mula pito hanggang labing apat na taon.

Dahil dito, hinikayat ng mga senador si Shiela Guo na makipagtulungan na sa mga otoridad para maresolba ang kasong ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us