Cassandra Ong, di pumayag na lumagda sa waiver para mabuksan ang kaniyang bank accounts

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pumayag si Cassandra Ong na lumagda sa waiver para mabuksan ang kaniyang bank accounts.

Sa ika-apat na pagdinig ng Quad Committee ay may ipinadalang sulat si Ong na nagsasabi na hindi na siya lalagda sa bank waiver, dahil maaaring magamit ito laban sa kaniya matapos masampahan na rin ng kaso.

Matatandaan na sa nakaraang pagdinig ng komite, inamin ni Ong na mayroon siyang nasa tatlong bank account na kaniyang ginagamit sa realty business ng Whirlwind Corporation.

Isa dito ay personal account, ang isa ay sa kumpanya at ang isa ay nakapangalan kay Ronalyn Baterna.

Ang bank waiver sana na ito ang makatutulong sa komite para matukoy kung kanino napupunta ang pera mula sa operasyon ng Whirlwind at Lucky South 99.

Gayunman ayon kay Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers, dahil sa may isinasagawa na ring imbestigasyon ang NBI sa money laundering case laban kay Ong ay magkakaroon na rin sila ng access sa naturang bank accounts kahit walang waiver si Ong. | ulat Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us