Nailipat na ng detention facility si Cassandra Ong, ang sinasabing incorporator ng Whirlwind Corporation at representative ng Lucky South 99 na pawang mga POGO company.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, Miyerkules ng hapon nang ilipat si Ong sa women’s correctional sa Mandaluyong.
Matatandaan na noong nakaraang pagdinig ng Quad Committee ay muling ipina-contempt ng komite si Ong dahil sa hindi pagsasabi ng totoo sa kung saang paaralan siya nagtapos ng ALS o alternative learning system.
Pero sa halip na sa detention facility ng Kamara ay sa women’s correctional facility na siya makukulong.
Tinapos muna ni Ong ang una nitong contempt order na 30 araw na detention sa Kamara na nagtapos nitong September 25, 2024, bago nailipat ng pasilidad. | ulat ni Kathleen Forbes