China, walang balak sakupin ang Pilipinas — AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang intensyon ang China na sakupin ang Palawan o buong Pilipinas, sa kabila ng malaking bilang ng kanilang barko sa na-monitor sa West Philippine Sea (WPS) sa mga nakalipas na linggo.

Sa huling bilang, 203 samut saring barko ng China ang na-monitor sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang intensyon ng Chinese Communist Party ay ma-control ang malaking bahagi ng South China Sea dahil mahalaga ito sa kanilang komersyo at kalakalan.

Nais aniyang protektahan ng China ang malayang daloy ng kalakal sa kanilang mga daungan kaya nagtayo sila ng mga base militar sa iba’t ibang bahagi ng South China Sea.

Bilang tugon, sinabi ni Trinidad na pinapalakas din ng AFP ang kanilang presensya sa karagatan sa pamamagitan ng regular na pagpatrolya sa EEZ ng bansa.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us