Hindi na pinayagang makalipad pa at habambuhay nang ban sa Philippine Airlines ang isang senior citizen ng Chinese national matapos siyang manigarilyo sa loob ng eroplano.
Ayon kay PAL Purser Ma. Antoinette Juan, kinilala nito ang ang pasahero bilang si Zhong Yongqin, 64 na taong gulang, na sakay ng PAL Flight PR-210 mula Melbourne, Australia at patungo sana ng Hong Kong.
Sa kabila ng mga pagbabawal sa babaeng Chinese, nanigarilyo pa rin ang pasahero sa business class ng PAL habang kasama ang kanyang apo. Pagdating sa NAIA Terminal 1 bandang 1:30 ng hapon, hindi na pinayagang sumakay si Yongqin para sa kanyang connecting flight.
Kinakailangan tuloy nitong bumili ng bagong ticket sa ibang airline matapos siyang i-ban ng PAL sa lahat ng kanilang domestic at international flights.
Iniimbestigahan din ngayon ng PAL kung paano nakalusot ang lighter na dala ng pasahero, lalo na’t mahigpit itong ipinagbabawal sa eroplano.| ulat ni EJ Lazaro