Isinusulong ngayon ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Yamsuan ang panukalang batas na magbibigay ng Christmas bonus at iba pang insentibo para sa mga barangay tanod.
Sa kaniyang House Bill 10909 itinutulak ni Yamsuan na mabigyan ng naturang mga benepisyo kasama ang legal assistance at insurance coverage ng mga tanod bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo para mapanatili ang peace and order sa komunidad.
Nakapaloob din sa panukala na maisama sa mabigyang prayoridad ang mga tanod pagdating sa mga livelihood program ng national o local government.
“Members of the barangay tanod brigades serve as public safety officers in our communities. We hardly notice them as they carry out their task of keeping our homes and streets safe, especially at night when most of the community is resting. They are, at times, exposed to criminal elements and other dangerous threats to the community, yet the benefits they receive are not commensurate with the risks they face every day,” giit ni Yamsuan, na nagsilbi bilang darting assistant secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Paalala pa ng mambabatas na maraming barangay tanod ang nalalagay sa panganib ang buhay at minsan pa nga ay napapatay dahil sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.
Ngunit sa kabila nito, tila napabayaan aniya ang kanilang kapakanan sa ilalim ng mga kasalukuyang batas kung saan kakarampot ang kanilang mga benepisyo.
Sakaling maisabatas, mabibigyan ang mga tano ng Christmas bonus na katumbas ng kalahati ng halaga na natatanggap ng punong barangay, libreng legal service mula sa government lawyers sakaling maharap sa mga reklamo o kaso sa paggampan ng kanilang tungkulin, insurance benefit na katumbas ng three-fourth ng halaga na natatanggap ng punong barangay.
Sakop nito ang temporary at total at permanent incapacity o disability; double indemnity; injuries dahi lsa aksidente; at death at burial benefits salig sa Local Government Code.
Para naman mapasala sa livelihood program, kailangan na nakapagserbisyo na ang tanod ng isang taon sa naturang barangay.| ulat ni Kathleen Forbes