Christmas bonus, libreng legal aid para sa mga barangay tanod, ipinapanukala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ngayon ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Yamsuan ang panukalang batas na magbibigay ng Christmas bonus at iba pang insentibo para sa mga barangay tanod.

Sa kaniyang House Bill 10909, itinutulak ni Yamsuan na mabigyan ng naturang mga benepisyo kasama ang legal assistance at insurance coverage ng mga tanod bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo para mapanatili ang peace and order sa komunidad.

Nakapaloob din sa panukala na maisama sa mabigyang prayoridad ang mga tanod pagdating sa mga livelihood program ng national o local government.

Paalala pa ng mambabatas, na maraming barangay tanod ang nalalagay sa panganib ang buhay at minsan pa nga ay napapatay dahil sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Ngunit sa kabila nito, tila napabayaan aniya ang kanilang kapakanan sa ilalim ng mga kasalukuyang batas kung saan kakarampot ang kanilang mga benepisyo.

Sakaling maisabatas, mabibigyan ang mga tanod ng Christmas bonus na katumbas ng kalahati ng halaga na natatanggap ng punong barangay, libreng legal service mula sa government lawyers sakaling maharap sa mga reklamo o kaso sa paggampan ng kanilang tungkulin, insurance benefit na katumbas ng three-fourth ng halaga na natatanggap ng punong barangay.

Sakop nito ang temporary at total at permanent incapacity o disability; double indemnity; injuries dahi lsa aksidente; at death at burial benefits salig sa Local Government Code.

Para naman mapasama sa livelihood program, kailangan na nakapagserbisyo na ang tanod ng isang taon sa naturang barangay. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us