CIDG, bumuo na ng tracker team para tugisin si dating Presidential Spox Harry Roque

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo na ng tracker team ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para tugisin si dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ito ang inihayag ni CIDG Spokesperson, Police Lt. Col. Imelda Reyes makaraang ipaaresto ng Quad Committee ng Kamara si Roque kaugnay ng pamamayagpag ng iligal na POGO sa bansa.

Sa panayam sa Kampo Crame kay Reyes, sinabi nito na mayroon na silang sinusundang lead hinggil sa kinaroroonan ni Roque pero tumanggi muna siyang sabihin kung saan ito.

Kabilang na rito ang pag-track sa mga livestream ni Roque sa social media platform na Facebook.

Magugunitang iginiit ni Roque sa kaniyang pinakahuling FB Live na hindi siya pugante at umiiwas lamang siya sa anito’y power tripping ng mga mambabatas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us