COC filing sa Quezon City, kasado na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy na ang ginagawang preparasyon ng Quezon City government katuwang ang Commission on Elections (COMELEC) para sa simula ng Filing of Certificate of Candidacy (COC) bukas, October 1.

Sa Quezon City, gaganapin sa Amoranto Sports Complex ang COC filing para sa mga kakandidato sa Districts 1-6.

Maaaring magsumite ng COC dito ang mga nais kumandidato mula October 1 hanggang 8, 2024 para sa National at Local Elections sa May 12, 2025.

Nakapaskil na ang iba’t ibang tarp at gabay para sa gaganaping COC filing.

Nakalagay na rin ang step by step procedures kung saan magkakaroon ng verification, receiving, encoding, at releasing ng notices para sa Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) filing. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us