Coding sa Makati City, nananatiling epektibo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi kanselado o nananatiling epektibo ang Number Coding sa Lungsod ng Makati.

Base sa anunsyo ng pamahalaang lungsod inaabisuhan nito ang mga motorista na ipinapatupad pa rin sa kanilang mga kalsada ang Number Coding ngayong araw, September 2, 2024.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pagbayo ng bagyong Enteng sa bansa at sa ginawang kanselasyon ng MMDA sa kanilang Number Coding Scheme kung saan hindi naman sakop ang Makati LGU.

Kaugnay nito, wala pang pagbahang namo-monitor ang LGU sa Magallanes Tunnel at Barangays San Isidro, San Antonio, at Pio del Pilar.

Payo ng LGU sa mga residente nito na i-monitor ang Facebook page ng lungsod para sa mga mahahalagang abiso ngayong panahon ng bagyo. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us