COMELEC Chair Garcia, nagpaliwanag sa desisyong ibasura ang aplikasyon ng higit 140 organisasyong nais maging party-list

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging mahigpit sa paghimay ang Commission on Elections (COMELEC) sa accreditation ng mga party-list organizations para sa 2025 Midterm Elections.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, ito ang dahilan kung bakit nasa 142 na aplikasyon ang rejected o ibinasura ng komisyon habang 41 ang tinanggap bilang bagong party-list organizations.

Paliwanag nito, kasama sa dahilan ng pagbasura sa aplikasyon ng karamihan ay dahil sa hindi naman tunay na kinakatawan ng mga ito ang mga marginalized at underrepresented sector.

Marami din aniya ang nagpresenta na kulang naman ang dokumento habang ang iba ay peke pa.

Maaari pa rin naman aniyang magsumite ng Motion for Reconsideration ang mga ito o magtungo sa Korte Suprema.

Kasunod nito, muli namang nanawagan ang COMELEC sa publiko na humabol na sa registration bago pa ang deadline sa September 30. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us