Maglalabas na ng rules and regulations ang Commission on Elections (COMELEC) sa paggamit ng mga social media para sa mga kakandidato ngayong 2025 Midterm Elections.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, inaprubahan ng En Banc ang rules and regulations para matiyak na hindi maaabuso ang paggamit ng social media ngayong halalan.
Sa kasalukuyan, tanging ang mga advertisement sa radyo, telebisyon, dyaryo, magazine, at phamplets lamang ang mayroong regulations ang COMELEC.
Nais nilang matiyak na hindi magagamit ang AI o artificial intelligence sa mga paninira o pagpapakalat ng fake news sa mga social media. | ulat ni Mike Rogas