Inilabas ng Commission on Elections (COMELEC) ang guidelines nito patungkol sa paggamit ng AI (artificial intelligence) sa social media upang labanan ang pagkalat ng maling impormasyon at disinformation sa darating pambansa at lokal na halalan sa susunod na taon.
Binibigyang diin sa COMELEC memo na mahalaga ang papel ng AI, hindi lamang sa paglikha ng maling impormasyon kundi pati na rin sa pagsugpo nito, kaya’t hinihikayat ng COMELEC ang mga social media platform na paigtingin ang kanilang mga patakaran at gumawa ng mga AI tool na makatutukoy ng pekeng balita.
Nakapaloob din dito ang pagkakaroon ng mas mataas na antas ng transparency at kooperasyon sa pagitan ng mga kumpanya ng teknolohiya upang matiyak na gagamitin ang AI nang responsable, at mapanatili ang integridad ng mga impormasyong may kaugnayan sa halalan.
Maliban sa maaayos at responsableng paggamit ng AI, laman din ng guidelines ang mga ipinagbabawal o maling paggamit ng social media, AI technology, at internet sa digital election campaign ng mga kakandidato sa halalan tulad ng fake accounts, bots, paggawa at pagpapalakat ng deepfakes, at marami pang iba.| ulat ni EJ Lazaro