Plano ng COMELEC na palawigin ang sakop ng automatic exemption sa gun ban para sa 2025 National at Local Elections.
Ayon kay COMELEC Chair George Garcia, isasama na nila ang iba pang government officials sa automatic exemption gaya na lang ng mga sheriff ng korte mula lower courts hanggang Supreme Court.
Plano rin aniya nila na paagahin ang schedule para sa filing ng gun ban exemption application.
Kasabay nito, nilinaw ni Garcia wala silang inilalabas na kautusan para ma-exempt sa gun ban ang mga MNLF o MILF combatants na hindi pa nade-demobilize.
Tugon ito ng opisyal sa interpelasyon ni Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo kung paano matitiyak ang kapayapaan at kaayusan sa nalalapit na BARMM Parliamentary Elections.
Punto niya, noon kasing botohan para sa plebesito ay binigyan ng gun exemption ang MILF sa kundisyong hindi ilalabas sa kanilang mga tahanan.
Gayunman, hindi naman ito nabantayan.
Sabi ni Garcia walang absolute exemption para sa MILF man o MNLF pagdating sa gun ban.
Tulad ng iba, kailangan nila aniya magsumite ng application for exemption.| ulat ni Kathleen Forbes