Aminado ang COMELEC na isa sa isyu na kanilang kinakaharap para ma-engganyo ang mga overseas filipino worker (OFW) na magparehistro at i-avail ang overseas absentee voting ay dahil sa mga napasong pasaporte.
Ito ang inilahad ng poll body sa pagsalang sa budget hearing ng kanilang P35.7 billion na panuklang pondo sa 2025.
Ayon kay COMELEC Chair George Garcia, may takot kasi ang ilan sa mga OFW na expired na ang passport na kapag sila ay magparehistro ay ma-monitor ang pagiging undocumented nila.
Giit ni Garcia, mayroong garantiya mula sa DFA na hindi magiging isyu ang kanilang pagiging undocumented alien.
Handa rin aniya ang DFA na i-renew ang kanilang mga pasaporte para matuloy lang ang pagpaparehistro.
Sa ngayon aniya nasa 1.180 million pa lang ang botante para sa overses voting kumpara sa 1.6 million overseas absentee voters noong 2022.
Kinumpirma rin ni Garcia na tuloy ang internet voting para sa may 76 posts habang ang 17 posts naman ay gagamit pa rin ng vote counting machines.| ulat ni Kathleen Forbes