Malugod na tinanggap ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang commitment ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pondohan ang mga proyekto sa mga barangay na napalaya mula sa impluwensya ng CPP-NPA.
Ito’y matapos na tiyakin ni Romualdez ang buong suporta ng Kamara para sa Barangay Development Program (BDP).
Sa isang pahayag, sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Ernesto Torres Jr. na ang suporta ni Romualdez ay isang malaking hakbang para isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa mga lugar na naapektohan ng armadong palikibaka.
Dagdag ni Usec. Torres, ang pahayag ni Speaker Romualdez ay kahanay ng unang inihayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang Chairman ng NTF-ELCAC, na isusulong ng administrasyon ang BDP upang mapaganda ang buhay ng mga mamayan sa mga lugar na ito. | ulat ni Leo Sarne