Kampante si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na magsisimula na ang pagbaba ang presyo ng bigas sa Oktubre.
Resulta ito ng desisyon ng gobyerno na bawasan ang taripa sa pag angkat.
Gayunpaman, inaasahan na ang buong epekto ng tariff cut ay posibleng maramdaman sa Enero ng susunod na taon.
Nilagdaan kamakailan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Executive Order 62, na nagbabawas sa taripa ng bigas sa 15 percent mula 35 percent, epektibo noong Hulyo 8.
Layunin ng hakbang na mapababa ang halaga ng bigas, ang pangunahing pagkain sa bansa na may malaking kontribusyon sa mataas na inflation rates.
Tinataya ng economic managers, na ang tariff reduction ay maaaring humantong sa pagbaba ng humigit-kumulang P5 to P7 kada kilo ng bigas. | ulat ni Rey Ferrer