Lumikha ng Agricultural Cooperative Enterprise Development Services ang Department of Agriculture.
Isang bagong inisyatiba na magpapahusay sa mga kakayahan ng agricultural groups sa buong bansa at magpapahusay sa food security at farm productivity.
Sa ilalim ng Memorandum Circular 22, ang bagong tatag na ACED Services ay gagana sa loob ng parehong Central at Regional field offices ng Department of Agriculture.
Ang mga serbisyong ito ay pangangasiwaan ng Office of the Undersecretary for Operations, na ngayon ay pinamumunuan ni Undersecretary Roger Navarro.
Binigyang-diin ni Secretary Tiu Laurel na ang ACED Services ay sentro ng istratehiya ng gobyerno para bigyang kapangyarihan ang mga magsasaka at mangingisda.
Magiging instrumento din ito sa pagtulong sa pagbuo ng mga patakaran at plano na sumusuporta sa mga kooperatiba sa agrikultura. | ulat ni Rey Ferrer