Aabot na sa P350-milyon ang inisyal na halaga ng pinsalang natamo ng agri sector kasunod ng pananalasa ng Bagyong Enteng.
Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), mayroong 8,893 na ektarya ng sakahan ang naapektuhan sa Bicol region.
Katumbas ito ng 13,623 na apektadong magsasala at production loss na 14,814MT.
Mula sa mga sakahan ng palay na apektado, 63% ang partially damaged habang 36% o katumbas ng 3,000 ektarya ang labis na napinsala.
Kaugnay nito, inihahanda naman na ng DA ang assistance nito sa mga apektadong magsasaka kabilang ang higit P200-M halaga ng binhi, biocontrol measures at makinarya.
Gayundin ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program from the Agricultural Credit Policy.
Tiniyak naman ng DA ang tuluy tuloy na assessment sa pinsala ng bagyo sa iba pang rehiyon sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa