Inabisuhan na ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda na maghanda at mag-ingat sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Islands.
Ayon sa DA, dapat paghandaan ng mga ito ang posibleng maging epekto ng bulkan sa kani-kanilang kabuhayan.
Tiniyak nito ang tuloy-tuloy ang koordinasyon ng ahensya sa Local Government Units at Disaster Risk Reduction and Mangament Offices
Maging ang pag update sa animal inventory at pagtukoy sa mga lugar na posibleng gamiting evacuation center ng mga hayop
Sa ngayon, may natukoy nang dalawang evacuation center ang DA sa barangay Panubigan at Linothangan sa Negros Oriental.
Batay sa pinakahuling ulat ng PHIVOLCS, nananatili sa alert level 2 ang status ng Bulkang Kanlaon at hindi isinasantabi ang posibleng pagputok nito. | ulat ni Rey Ferrer