Mas palalakasin pa ng Department of Agriculture ang food security sa bansa .
Tiniyak ito ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos aprubahan ng Kamara ang budget ng Department of Agriculture at National Irrigation Administration para sa susunod na taon.
Ayon sa DA, aabot sa P200.19-B ang inaprubahang budget,na mas mataas ng 19.5% mula sa kasalukuyang National Expenditure Program.
Habang nasa P42.57-B naman ang aprubadong budget ng NIA, na bahagyang mas mataas kumpara noong nakaraang taon na nasa P41.7-B.
Dahil dito, inihayag ng kalihim na pagbubutihin nito ang kabuhayan ng milyun-milyong mangingisda at magsasaka upang mas umangat ang sektor ng pang-agrikultura. | ulat ni Rey Ferrer