Pinahaba pa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang programang “Marangal na Trabaho para sa bawat Manileño” sa pangunguna ni Mayor Dra. Honey Lacuna at ng Public Employment Service Office (PESO) ng Maynila ang “TRABADO” o “Hanap Trabaho tuwing Sabado” para sa mga job seekers na Manileño.
Ngayong araw, September 21, 2024, mula 10:00 AM hanggang 3:00 PM, isasagawa ang extended job fair sa District 2, Jose P. Laurel High School.
Ilan sa mga trabaho na ito ay mula sa admin at clerical works. May opening din para sa riders, drivers, cashier, IT staff, at marami pang iba.
Dapat ihanda lamang ang mga kopya ng resumé, black ballpen, at siguraduhing sumunod sa minimum health standards. Huwag ding kalimutan, ayon sa Manila PESO, ang payong, pamaypay, at tubig. Gayundin ang pagsusuot ng casual attire. | ulat ni EJ Lazaro