Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na marami pa itong nakalinyang benepisyo para sa mga miyembro bago matapos ang 2024.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ng PIA, ipinunto ni Philhealth Health Finance Policy Sector Senior VP Dr. Israel Francis Pargas, na tuloy tuloy anh ginagawa nilang hakbang para mapalawak ang benepisyo.
Bago matapos ang taon, kabilang sa pinaplantsa na ng Philhealth ang mas mataas na package sa dengue, cataract extraction, dialysis at chemotherapy sa ilang cancer gaya ng prostate, lung, liver at maging sa cervical cancer.
Target din ng Philhealth na palawakin ang Z benefit package sa kidney transplantation.
Ayon pa sa opisyal, pinagaaralan na rin ngayon ng Philhealth ang panibagong round ng 30% increase across the board sa 9,000 case rate.
Maging sa susunod na taon ay may nakahanay na rin aniya ang Philhealth benefit plan na layong marating ang comprehensive outpatient benfit package na minamandato ng universal health care. | ulat ni Merry Ann Bastasa