Upang lalo pang mapaigting ang pagresponde sa mga sakuna at emergency, nakatanggap ang Philippine Red Cross (PRC) Rizal Chapter ng isang bagong unit ng ambulansya mula sa Unilab.
Ito na ang pangalawang ambulansyang donasyon ng pharmaceutical company sa PRC Rizal Chapter.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, ang karagdagang unit na ito ay lalong magpapalakas sa kapasidad ng PRC na rumesponde sa mga krisis at maghatid ng agarang tulong medikal sa mga nangangailangan.
Ang bagong ambulansya ay magiging bahagi ng 178 na ambulansya ng PRC na naka-deploy sa mga chapter nito sa buong bansa. | ulat ni Diane Lear