Nakipagpulong si House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co sa Police Security and Protection Group para sa dagdag na seguridad ng mga mambabatas.
Mula kasi aniya nang simulan ng Quad Committee ang kanilang pag-iimbestiga sa ugnayan ng iligal na droga at POGO operations aya marami sa mga kongresista ang nakatanggap na ng mga death threat.
“Since the start of the quad-committee investigation delving deep into the complex web of the illegal drug trade, POGO operations, and other sensitive issues, many of the congressmen have been facing a barrage of death threats,” pagbabahagi ni Co.
Kaya aniya inilapit na nila ito sa kina PSPG Director BGen. William Segun and PCol. Eleazar R. Barber Jr.
Giit ni Co, hindi biro ang trabaho ng mga kongresista.
Ngunit sa kabila aniya ng nga banta, mas maigting aniya ang kanilang pagnanais na lumabas ang katotohanan at makamit ang hustisya.
Hindi na rin aniya ito usapin lang ng kaligtasan nungit ang pagsiguri na ang mga mambabatas ay maipagpapatuloy ang pagsisiyasat nang walang pangamba sa kanilang buhay.
“This isn’t just about safety—it’s about ensuring that the congressmen can continue to uncover the truth without fear,” ani Co.| ulat ni Kathleen Forbes