Inaprubahan ng Regional Tripartite and Productivity Board ang dagdag sweldo sa minimum wage ng mga manggagawa ng Calabarzon at Central Visayas.
Inanunsyo ng Wage Board ang dagdag na P21 hanggang P75 kada araw para sa Region 4A at P33 to P43 a day sa Central Visayas.
Dahil sa dagdag sweldo sa CALABARZON, magiging P425-P560 na araw ang sweldo habang sa Central Visayas naman ay magiging P453-P501ang arawang sweldo.
Epektibo sa September 30 ang bagong minimum wage para sa CALABARZON habang October 2 naman sa Central Visayas. | ulat ni Michael Rogas