Para kay dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog, nasa tama ang ginagawang hakbang ngayon ng Marcos Jr. Administration pagdating sa proteksyon ng karaptang pantao.
Isa aniya ito sa mga dahilan kung bakit nakumbinsi siyang umuwi ng Pilipinas, para ilahad ang kaniyang mga pinagdaanan matapos maisama sa drug list ng nakaraang administrasyon at pagbantaan pang papatayin.
Sabi ni Mabilog, na nasubaybayan niya ang ginagawang imbestigayson ng Quad Committee at dito siya nagkalakas ng loob na magbalik Pilipinas matapos ang pitong taong self-exile sa US.
Aminado ang dating alkalde na mayroon pa ring takot at pangamba para sa kaniyang buhay.
Ngunit naniniwala aniya siya na kaloob ng Diyos na siya ay umuwi sa Pilipinas.
Inaasahan na haharap muli si Mabilog sa susunod na pagdinig ng Quad Comm sa susunod na linggo. | ulat ni Kathleen Forbes