Nakatakdang humarap si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 95 para mabasahan ng sakdal ngayong araw.
Ito’y makaraang ilipat sa Valenzuela RTC ang kasong Graft na inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay Guo mula sa Capas Regional Trial Court sa Tarlac kasunod ng kahilingan ng Department of Justice (DOJ) sa Korte Suprema.
Ayon sa Legal Counsel ni Guo na si Atty. Stephen David, ala-1:30 mamayang hapon ang itinakdang arraignment laban kay Guo sa naturang kaso.
Dahil dito, asahan na ang mahigpit na seguridad na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) sa paghahatid kay Guo mula sa Custodial Center sa Kampo Crame patungong Valenzuela RTC at pabalik.
Maliban sa kasong graft, naghain din ang DOJ ng kasong Human Trafficking laban kay Guo sa Pasig City Regional Trial Court. | ulat ni Jaymark Dagala