Dating Bamban Mayor Alice Guo, binasahan ng sakdal sa Pasig RTC para sa kasong Qualified Human Trafficking

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ang pagbasa ng sakdal laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para sa kasong Qualified Human Trafficking sa Pasig City Regional Trial Court branch 167.

Pero ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson, JSupt. Jayrex Bustinera, hindi na kailangan pang umalis ng Pasig City Jail Female Dormitory ni Guo dahil isinagawa ito via video conference.

Paliwanag ni Bustinera, hiniling nila mismo sa Korte na gawin na lamang online ang pagharap ni Guo sa mga pagdinig maliban na lamang kung haharap siya sa mga pagdinig ng Kamara at Senado na subject sa pag-apruba ng Korte.

Alas-8:30 ng umaga itinakda ng korte ang pagbasa ng sakdal na sinundan naman ng Pre-Trial Conference sa kaso gayundin ang dapat sana’y pagdinig sa inihaing urgent motion ng kampo ni Guo na maibalik ang kostudiya nito sa Kampo Crame.

Subalit ibinasura na ito ng Korte makaraang ideklara itong “moot” dahil nailipat na si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us