Muling isinailalim sa medical at physical procedures ngayong araw (Sept.23) si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bago tuluyang ilipat sa kostudiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Warrant of arrest na inilabas ng Pasig RTC, ibabalik via online
Paliwanag ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, Standard Operating Procedures (SOP) ito para sa mga detenido na aalis sa kanilang kostudiya.
Magugunitang ipinag-utos ng Pasig City Regional Trial Court branch 165 ang paglilipat kay Guo sa Pasig City Jail Dormitory matapos ilabas ang warrant of arrest laban dito kaugnay ng kasong Qualified Human Trafficking.
8:50 AM nang makaalis ang convoy sa Kampo Crame at nakarating sa Pasig City Jail ganap na 9:14 AM ng umaga. | ulat ni Jaymark Dagala