Dating Bamban Mayor Alice Guo, muling dinala sa Senado para dumalo sa pagdinig ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ganap na alas-7:51 ng umaga nang muling lumabas ang coaster sakay si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo mula sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame.

Ito’y para sa muling pagdalo ni Guo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kaugnay sa pamamayagpag ng POGO sa bansa.

Tulad ng mga nakalipas na biyahe, mahigpit ang latag ng seguridad na ipinatutupad ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sinamahan ito ng convoy mula sa PNP Highway Patrol Group (HPG) gayundin ng mga tauhan ng Headquarters Support Service (HSS).

Una rito, inaprubahan ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 282 ang kahilingan ng Senado na muling paharapin si Guo sa kanilang pagdinig ganap na alas-9 ng umaga.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us