Dating Bamban Mayor Alice Guo, nakatakdang ilipat sa Pasig Female Dormitory ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihahanda na ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang paglilipat kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ngayong araw.

Ito’y makaraang ipag-utos ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 ang paglilipat kay Guo sa kustodiya ng BJMP matapos ipaaresto dahil sa kasong Qualified Human Trafficking.

Ayon kay PNP CIDG Director, Police Maj. Gen. Leo Francisco, isinasapinal pa nila ang mga kinakailangang dokumento ng BJMP dahil ngayon pa lamang din ibabalik sa korte ang Warrant of Arrest laban kay Guo na may kinalaman sa operasyon ng iligal na POGO sa bansa.

Magugunitang hindi natuloy ang paglilipat kay Guo noong isang linggo dahil hindi natapos ng CIDG ang mga dokumentong kailangan dahil sa kakulangan ng oras.

Gayunman, sumailalim na siya sa booking and documentation at medical/physical examination sa Kampo Crame noong Biyernes, matapos naman siyang dalhin sa Valenzuela City RTC para basahan sana ng sakdal sa kasong graft subalit hindi natuloy.

Samantala, sinabi ni BJMP Spokesperson, JSupt. Jayrex Bustinera na handa na silang tanggapin sa kanilang pasilidad anumang oras si Guo.

Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 138 PDLs o mahigit 200 porsyento ang congestion rate ng Pasig City Female Dormitory kung saan, mayroon itong apat na selda na may lamang 45 Persons Deprived of Liberty na mas mataas kumpara sa ideal capacity na 36.

Tatlo sa mga ito ang nagagamit ng mga PDL habang ang isa ay ginagamit na isolation para sa mga PDL na mayroong sakit gaya ng TB o Tuberculosis.

Si Guo ang ika-5 na high profile inmate na malilipat dito matapos ding ikulong dito ang apat na kapwa akusado ni Pastor Apollo Quiboloy na sina Ingrid Canada, Paulene Canada, Jackielyn Roy, at Sylvia Cemañes sa kaparehong kaso.

Pero may kaugnayan naman ito sa mga pang-aabusong ginawa sa mga menor de edad na miyembro ng Kingdom of Jesus Christ. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us