Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, naghain ng not guilty plea sa kasong qualified human trafficking sa Pasig RTC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng “not guilty” plea ang kampo ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 167 kaugnay sa kasong qualified human trafficking laban sa kanya.

Ito ang inihayag ni Atty. Nicole Jamilla, abogado ni Guo, sa naganap na arraignment at pre-trial conference ngayong araw.

Ayon kay Jamilla, walang kinalaman si Guo sa iligal na POGO. Tumanggi na ring magbigay ng karagdagang detalye si Jamilla dahil sa “sub judice rule.”

Ang paghahain ng not guilty plea ay nangangahulugan ng pagtanggi ng akusado sa kasong isinampa at pagpapatuloy ng paglilitis.

Matatandaang ang kasong qualified trafficking ni Guo na may kaugnayan sa iligal na operasyon ng POGO sa Bamban ay non-bailable.

Si Guo ay kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Jail Female Dormitory. Ang susunod na pagdinig sa kaso ni Guo ay gaganapin sa October 1. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us